Time: 4:05AM @work
Haays. Pasukan na naman at eto ako, kakapasok lang sa trabaho dahil di
ko ma-express ang nararamdaman ako ngayon araw. Dahil may halong kaba,
saya, at natatawa sa sarili sa pangyayaring di ko inexpect.
Naranasan mo na bang mag-motor sa isang mabahang daan na dire-diretso? wala ka bang napansin na sa isang pangyayari ay parang na-nanaginip kang gising, punong-puno ang pag-iisip pero nakikita mo ang dinadaan mo. Yung bang parang "nagmo-moment kayo ng motor mo.
Naranasan mo na bang mag-motor sa isang mabahang daan na dire-diretso? wala ka bang napansin na sa isang pangyayari ay parang na-nanaginip kang gising, punong-puno ang pag-iisip pero nakikita mo ang dinadaan mo. Yung bang parang "nagmo-moment kayo ng motor mo.
Ike-kwento ko... Habang papasok ako ng trabaho(naka-motor), parang may feeling ako na napaka-weird, ang daming bagay na pumapasok sa isip ko.. Di sa kalayuan napansin ko na ang stop light na 40 at pababaang bilang. Pero bigla nalang akong nagising ng tinanong ako ng gasoline boy kung magkano ang ipapa-gas ko.. o diba? napansin ko pa lang yung red light pero parang nagising ako na nasa gas station na ako. Tinuloy ko ang biyahe, at ng nasa gate na ako ng pinagta-trabahuhan ko, may tumawag sakin "Sir!" at pag lingon ko sa loob isang guard na animo'y parang traffic enforcer, hiningi nya ang lisensya ko at tinanong, "Sir, alam nyo ba ang ginawa nyo ay isang violation?", takang-taka ako sa sarili ko at parang na-alala ko ang nangyari, 15 minutes kaming nag usap at nai-kwento nya ang pangyayari sa bandang huli ay tinanong ako kung ti-tiketan na nya ako, ang sabi ko naman "Sir, baka pwede aregluhin kasi wala akong natatandaan at parang wala ako sa sarili nung magyari yun"(with nagmamaka-awa face). At sa di ina-asahan ay pinagbigyan naman ako nito at sabay sinabi "Sige sir, at mukang wala ka nga sa sarili kanina pa kita kinakausap at parang wala kang kibo, sa susunod focus ka kapag nagmo-motor", at sya ay umalis sakay ang kanyang motor.
HALA! pag-park ko ng motor, bigla kong narealize ang nagawa ko at sabay hinga ng malalim at tinawanan ko ang sarili...
Ewan ko ba, kung in-love na ba ako? Sya na ba talaga? Siguro nga.. Di ko pa sya handang ipakilala sa iba kong mga kaibigan pero marami ng naka-kakilala sakanya at isa na dun ang mama ko..
At yan ang abangan nyo dahil sa susunong kong Blogstory ay ike-kwento ko ang tungkol sakanya.
Thought For The Day: Ang pagha-hanap mo sa pag-ibig at parang pagla-lakbay sa isang mahabang daan, at sa pag-lalakbay mo ay naka-tuon ang pagiisip mo sa daan. At hindi mo na-mamalayan na sa tulin mo ay nadaan mo na ang taong matagal mo ng hinahanap.
Lesson: Focus lang dre. :p
o hanggang sa muli mga friends! stay tuned para sa susunod kong Blogstory ha?
Byerrrs!
No comments:
Post a Comment