Friday, August 24, 2012

PAKSHET!

Oh ayun! off nanaman! kaya lang isang araw lng.. todo todo na ang aking inggit sa kasama ko sa work! isang VL at 5 days OFF lng naman! o dba? haha bongga? sana makapag unwind siya sa mga araw na yun.. ahaha! bago ba naman kami mag day off haha todo todo ang badtrip namin! sya badtrip sya dahil sa GAS at GASGAS! haha! alam na nya yun! :D.. Ako eto pa blog blog nalang sinasabi kung anu lang masabi jan..

Osige! mabigagay nalang ako ng topic! saan at paano ba nabubuo ang isang chismis o "gossip"?? ikaw sa palagay mo?. According to wiki.

*************
 Gossip is idle talk or rumour about the personal or private affairs of others. It is one of the oldest and most common means of sharing facts, views and slander. This term is used pejoratively by its reputation for the introduction of errors and variations into the information transmitted, and it also describes idle chat, a rumor of personal, or trivial nature.
**********************

o dba? excellent explanation! credits to wikipedia! :p well para sakin, nangagaling ang isang chismis sa isang katotohanan na pasa pasa ng naiikkwento. tapos dagdag story si person A, tapos dagdag detail si person B and so on and on... kaya sa bandang huli chismis nalang! Isang katotohanan na nawala ang sense dahil sa kakadagdag ng sahog at kung ano ano pa! marami na ako narinig na chismis sa trabaho, sa bahay, sa mga kaibigan, sa mga kaklase dati ang pinagtatakahan ko lang is bakit and daming LALAKING CHISMOSO NGAYON? haha! lalaki ka nga bungabunga mo naman daig pa ang keps ng pokpok! haays anu ba yan? bakit kaya hindi nalang kaya nila hayaan kung ano ang totoo sa hindi totoo? hindi yung  kung anu anu pa ang idadagdag nila.. well hindi ko rin sila masisisi kung chismoso at chismosa sila.. di mo rin masisisi sa mga kwinentohan nila o sa mga nakarinig dahil kung ano ang pumasok sa tenga yun din ang labas nito sa bibig.. 

****************************

Well, antok na ako.. cguro matulog nalang ako.. sayang off kung di matutulog! see you in my next blog! :D


Tuesday, August 21, 2012

First timer



Hello! My name is John! I guess this would be my first blog today.. Siguro iintroduce ko muna ang sarili ko sa mga makakabasa nito.. sana kung meron.. again ako si John Romar D. Ilano, Chow, John or Romar for shorts,  ipinanganak noong august 2 1990 sa angeles at lumaki sa manila since after ng binyag ko hanggang 2nd year highschool so 15 years in total. Lumipat lang kami sa kadahilanang namatay na ang isa sa mga favorite at one of my important family tree member, ang lolo ko na tinatawag kong "tatay".. Dahil sya ang tumayo kong ama simula pagkabata.. Bakit?? Kasi isa sya sa mga tumutulong samin nung ng mama ko nung bata pa ako.. 2nd family lang kami kasi sa real father ko.. Although ganun sitwasyon namin tanggap pari kami ng lolo ko.. Pero wala akong sama ng loob sa real father ko kasi syempre wala ako sa earth kung hindi dahil sa sperm cell nya.. Ipapanganak ba ako kung egg cell lang?? Kung ganun ang nangyari edi kalahi ko si cell sa dragon ball z na isang tipaklong na singaw sa planetang earth.. Haha

************************************************


Ok back to the topic... Sa kasalukuyan ay nagttrabaho ako sa isang bpo company dito sa pampanga.. (pasensya nga pla sa ibang shortcuts ko.. sa cellphone ko lang kasi ito ginawa). Nagiipon. Gumagastos. Try ulit mag ipon.. Ahaha hanggang ngayon wala.. Sa totoo lang mag 3 years na ako sa trabaho wala pang ipon.. Pero may mga ilang gamit naman akong naipundar. Like computer at dslr.. pwede na.. Pero balak ko parin mag ipon kahit papano.. Balak sa next year nalang ehe! Sana makabayad na ako sa lahat ng utang ko ayaw kong mabaon sa utang no.. so ayun bakit sa call center?? Kasi 2 years course lang natapos ko.. Associate in Information and technology major in networking ang natapos ko.. Graduate ako pero dahil sa walang pera.. Mas pinili ko ang di lumakad at mag march sa stage kesa sa 5k na toga at picture.. Pinanbayad ko nalng sa balance ko sa school.. Pero di ko pa din nakuha diploma ko.. 

************************************************


Oo nga pla nakalimutan ko about sa family background ko.. Only child lang ako ng real father ko sa mama ko.. Pero kahit ganun masaya naman ako kahit wala akong kapatid.. Pinangarap kong magkapatid pero wala na cguro kasi kakaopera lang ng mama ko.. Tinggalan na sya ng matress. 44 years old ata.. Haha so ayun siguro marami pa akong mababangit about sa family ko sa mga susunod kong blog.. Sana masundan pa ito kapag sinipag ako.. I'll tell more about myself muna siguro. Kung mapapansin niyo haha ako ng haha.. Ewan ko kung nasanay lang ako sa txt or cguro masayahin ako.. Pero masayahin naman ako sa harap ng ibang tao.. Pero sa bahay madalas akong bugnutin yung lagi bang nakasimangot.. Mapagmahal, mabait, masunurin, minsan suwail.. Yan ang mga ugali ko yung iba cguro malalaman nyo din yun sa iba kong mga blogs kasi napapasin ko mahaba na itong blog ko for the day baka mabored na kayong kakabasa.. naaliw lng ako nung naalala ko yung ka work ko na mahilig magblog medyo inspiring kasi mga blog nya may kalokohan din pero katotohanan.. di rin kasi sya ngakkwento sa trabaho so nasasabi nya yung gusto nyang sabihin sa blog. Makikilala nyo pa ako ng husto dito sa mga blog ko.. Well hanggang di nalang muna cguro.. Till next blog!