Tuesday, June 4, 2013

Beating the Red light.


Time: 4:05AM @work

Haays. Pasukan na naman at eto ako, kakapasok lang sa trabaho dahil di ko ma-express ang nararamdaman ako ngayon araw. Dahil may halong kaba, saya, at natatawa sa sarili sa pangyayaring di ko inexpect.
Naranasan mo na bang mag-motor sa isang mabahang daan na dire-diretso? wala ka bang napansin na sa isang pangyayari ay parang na-nanaginip kang gising, punong-puno ang pag-iisip pero nakikita mo ang dinadaan mo. Yung bang parang "nagmo-moment kayo ng motor mo.

Ike-kwento ko... Habang papasok ako ng trabaho(naka-motor), parang may feeling ako na napaka-weird, ang daming bagay na pumapasok sa isip ko.. Di sa kalayuan napansin ko na ang stop light na 40 at pababaang bilang. Pero bigla nalang akong nagising ng tinanong ako ng gasoline boy kung magkano ang ipapa-gas ko.. o diba? napansin ko pa lang yung red light pero parang nagising ako na nasa gas station na ako. Tinuloy ko ang biyahe, at ng nasa gate na ako ng pinagta-trabahuhan ko, may tumawag sakin "Sir!" at pag lingon ko sa loob isang guard na animo'y parang traffic enforcer, hiningi nya ang lisensya ko at tinanong, "Sir, alam nyo ba ang ginawa nyo ay isang violation?", takang-taka ako sa sarili ko at parang na-alala ko ang nangyari, 15 minutes kaming nag usap at nai-kwento nya ang pangyayari sa bandang huli ay tinanong ako kung ti-tiketan na nya ako, ang sabi ko naman "Sir, baka pwede aregluhin kasi wala akong natatandaan at parang wala ako sa sarili nung magyari yun"(with nagmamaka-awa face). At sa di ina-asahan ay pinagbigyan naman ako nito at sabay sinabi "Sige sir, at mukang wala ka nga sa sarili kanina pa kita kinakausap at parang wala kang kibo, sa susunod focus ka kapag nagmo-motor", at sya ay umalis sakay ang kanyang motor.
HALA! pag-park ko ng motor, bigla kong narealize ang nagawa ko at sabay hinga ng malalim at tinawanan ko ang sarili...

Ewan ko ba, kung in-love na ba ako? Sya na ba talaga? Siguro nga.. Di ko pa sya handang ipakilala sa iba kong mga kaibigan pero marami ng naka-kakilala sakanya at isa na dun ang mama ko..
At yan ang abangan nyo dahil sa susunong kong Blogstory ay ike-kwento ko ang tungkol sakanya.
Thought For The Day: Ang pagha-hanap mo sa pag-ibig at parang pagla-lakbay sa isang mahabang daan, at sa pag-lalakbay mo ay naka-tuon ang pagiisip mo sa daan. At hindi mo na-mamalayan na sa tulin mo ay nadaan mo na ang taong matagal mo ng hinahanap.
Lesson: Focus lang dre. :p

o hanggang sa muli mga friends! stay tuned para sa susunod kong Blogstory ha?

Byerrrs!

Thursday, March 14, 2013

SAWI: after 3and1/2 months!

Hayun! Im back! Sensya na busy sa work eh kaya medyo natagalan.. parang kailan lang ang post ko.. haha!

pero bago ako mag continue i-play muna natin ang song kung saan ako na LSS for today!.. lulubusin ko na bago pa mawala ang internet ko..diba? habang nag susulat ako, naka play yan! haha

Well... here we go....

Actually after  2 months na pagpapagaling ko galing sa sakit ko... sakit sya as in.. hindi sakit sa puso. dahil sa mga araw na to unti unti ko ng na oovercome ang pagiging single ko..Sa tulong ng mga friends ko sa amin at sa mga friends ko sa work. Yung iba, may pinapakilala sila.. Yung iba naman ayaw ko pakilala kasi baka ma inlove nanaman ako at mahurt sa bandang huli.. haha! (PAHINGA MUNA PO ang sabi nila..) Eh anong magagawa ko? I AM BORN TO BE A LOVER! pero back to the topic! after 2 months nga hindi ko maiwasan na tignan profile nya, tinry ko na ngang i-taas ang PRIDE ko.. pero in the end kinain ko lang to..  I ask her out for a small talk.. Sabi ko, gusto kong makipagbalikan at gusto kong magsimula ulit.. pero not as in na kami na ulit.. dahil kong simulan from the start back to ZERO.. Ayun, I started accepting what she did and little by little i am trying to bring up my feelings.. Pero bago ko ginawa to, nagsimba ako and ask for a simple request...

"Di ko sana pagsisihan tong gagawin ko"... In the end i started accepting her back, we go out for a small date but that time wala pang bonggang date dahil kasalukuyan akong may problema sa family at financially unstable ako nun dahil sa mga utang ko.. haha! 1 week before ko nasabi sa mga friends ko.. Some say, mahal ko parin sya after all, some say, ang TANGA TANGA ko daw..Whatever they said, I didn't even bother to care. Why? dahil ayokong pagsisihan ang desisyon ko.. Pero weeks after, something suddenly bothers me, di ko alam kung ano.. I asked her na stop muna kami sa pagkikita dahil gusto ko muna ayusin lahat ng prob ko sa family side ko.. and she said ok..  OK?!? dun ako na bother siguro.. Pero inisip ko nalang na ayaw nyang makagulo sakin until maayos ko na OK nga talga sakanya...

But then again, lumitaw lang akong parang TANGA.. Kinain ko PRIDE ko, Yet di ko pinagsisihan.. why? Coz i didn't even feel anything like before.. what happen? yung time na gusto ko siyang puntahan, at kausapin... naubusan ako ng load.. so nag msg ako sa facebook nya.. ang accidentally landing on her profile.. Tapos nabasa ko nga na she is "In a relationship", i saw pictures of her with other guy calling her "babe".....

What happened next? tinawanan ko nalang.. natawa ako dahil sa katanganhan ko.. pero honestly speaking i didn't feel anything..  I saw her went online sa chat and started a conversation.. No need for the detailed conversation.. basta I Congratulated her and Wish her Good Luck.. Thats all no hard feelings at all.. :D

This past few weeks eto mga ginawa ko..

>Donated clothes we use to wear when together(Couple Shirts)
>Jogging sa dayoff...
> Burned all things that can remind me of her..
>Letting go of everything.
>Paglalandi sa mga "Sales"
>Focus on work!

lastly...
>Moved On!


Well thats about it.. right now, im starting to focus for myself, love myself and everything for myself.. Medyo nagustuhan ko pagiging SAWI: Single At Walang Inintindi..

I am waiting for my Baby this month! Will post some Pictures pag anjan na.. :D

Hope you guys enjoyed reading.. feel free to leave a comment..
Till Next Blog/Story!




Tuesday, March 12, 2013

SAWI: Single At Walang Iniintindi





Oha! ayos ba? hello! kamusta naman kayong lahat? well kahit walang viewers sa blog ko na na to.. pag type parin ng kung anu ano ang peg...

Well guys, here is a simple qoute para sa mga bagong break up dyan! haha! well para sakin bagong break up parin ang dating.. haha! kahit more than 3 months na ang nakalipas...

"Move forward..." sabi nga ng isa kong ka work. Thoug may asawa't anak na sya.. she still have pasts na di maiwasang makalimutan..

sabi nman ng isa kong ka-work, kasapi na ako sa samahang "SAWI", Single At Walang Iniintindi.. haha oha! one of the best na narinig o nabasa ko..


Haays it has been 3 months.. Well para sakin masaya naman.. kasi nagagawa ko na yung mga bagay na hindi ko magawa noon.. ang mag "Landi".. sabi nga nila kung naging babae ako.. ang dami ko ng panganay.. wahaha! sabi ko naman "Malandi man ako sa paningin nila, Di ako nagpapagalaw basta basta"..  haha.. just for fun lang naman eh.. edi sorry kung may ma offend ako or may makamis-interpret! OPEN YOUR MINDS mga tsong at tsang, hindi porke malandi ang paningin nila eh kung kani-kanino kana nagpapagalaw at kung sino-sino na ang ginagalaw niyo.. REAL TALK mga mare at pare, iba and naglalandi at nagpapalandi.. NALALANDI is people that are trying to make people happy in terms of green joke at kunwarian may nakaraan.. NAGPAPALANDI is mga taong pa birhen EFFECT, na konting kalabit eh sumasabit.. diba?!

o sya enough of the LANDI words , churva and everything!

back to myself! maraming nagtatanong bakit ang BITTER ko daw sa mga post ko.. ako? BITTER? Let's say I Am BETTER than EVER! oha! di ako bitter trip ko lang mag post, kaya walang basagan ng trip mga pare at mare! haha

As I have said, "OO", "YES!"  at "KOWREK!" kayo sa nabasa ninyo!. 3 months or more than 3 months na akong single. After 3 Lovely years.. I AM FINALLY MOVING FORWARD.... ALONE... (panandalian lang).. well simple lang yan.. sa di inaasahang panahon.. parang karma ko na rin ang nangyari.. sa isang kasalanan na mahirap tanggapin.. Sige straight to the point.. I had an accidentally affair with someone under the influence of alcohol.. Lalaki ako, at nag enjoy ako sa inuman, after that wala na akong natatandaan.. Nagkwento nalang sakin yung girl over the phone.. and marami rin akong patunay dahil naikwento din saking nga mga kaibigan ko na after ko malasing the Girl and I have been in a same room overnight. After that happened 2 months kong pinagiisipan kung papaano ko sasabihin sa  GF ko noon yung nangyari..Till the day happened na nabasa nya yung text ko sa isang friend, asking for advice how to tell the truth over to my GF(noon). Nagaway kami, months and months have passed, sinusuyo ko siya.. unti unti kong nilayuan mga friends ko para mag bago.. nag focus ako sa work at bahay.. pati narin sakanyan.. well it turned out na napatawad niya rin ako noon..

After nya akong mapatawad noon, naging COLD ang relationship namin. Madalang nalang magkita, mag txt at mag date.. hindi ko rin alam kung bakit... cguro mga 5-6 months to after nya akong mapatawad.. doon kami naging COLD.. then 1 day isang araw.... I had a financial problem trying to seek help from her.. kasi simula nung naging kami tulungan kami sa pera eh.. walang problem doon..  she did'nt reply back, and after hours of waiting I received a TxT message from her, not knowing that TxT message suddenly changed everything..

Sa Txt message na yun, doon ko nabasa ang lahat. Actually hindi naman nabasa naramdaman ko nalang..
sabi nya sa txt is may problem daw siya at kasalanan sakin na matagal na nyang hindi nasasabi.. at doon, nag simula akong KUTUBAN.. tenga ko naginit at dibdib ko nagsikip.. nagpaload ko para tawagan sya.. naka ilang ring ako pero walang sumasagot.. o sya hintay ako ng txt.. sabay sabi nya na di nya ako kayang kausapin... doon na ako mas lalong kinutuban.. ako naman sa sobrang curious ko, nag tanong ako.. pero tanong na oo at hindi lang ang sagot.. tinanong ko sya eh kung yung ginawa ba nyang kasalanan eh kapareho sakin....


FINALLY! isang mitsa na "OO" ang natanggap kong txt message.. sa sumindi saakin.. habang nakasindi ang mitsa di ako mapakali.. sabay open gn facebook, bura lahat ng albums namin, palit ng status, sabay tayo at kuha lahat ng pictures namin at balot sa plastic sabay tapon sa basura at sigaw ng ISANG MALUTONG NA MURA! WAAAAAAAAAAAAAAH! (habang tinatype ko to gigil parin ako haha!)... sabay txt sa mga barkada at nag-yaya ako nang inuman.. 3 days, VL-OFF-OFF 3 day straight! idlip lang ang pahinga.. inom at laklak ng alak.. buong sweldo ko ng cutoff na yun ubos! at after nun ayun SL and dating.. ahaha!

pero after nun, parang walang nangyari.. txt lang kami nagkausap.. at ayun 3 months na ang lumipas.. pero with-in 3 months may nangyari sakin.... at to be continued sa next blog(kwento) ko. haha! antok na ako.. syempre sa nag basa aabangan nyo talga yun.. diba? para may viewers pa ako sa next post ko.. ok?

-johnromarilano

Sunday, November 11, 2012

Advice

ad·vice

[ad-vahys]
noun
1.
an opinion or recommendation offered as a guide to action, conduct, etc.: I shall act on your advice.
source: http://dictionary.reference.com/browse/advice 
///////////////////////////////////////////
time check: oras na para matulog dahil may pasok pa ako mamaya! oha!
 //////////////////////////////////////////
Ang dami kong kilalang tao na ang galing mag bigay ng "advice". Andyan sina Vice Ganda, Mga Magulang, Friends, bffs, syota, syoto, Guidance Counselor, kahit di mo mga kilala minsan bibigyan kapa ng "advice" . Parang ako, feel ko ang galing galing ko magbigay ng "advice" sa mga kaibigan ko at kakilala kong tao na may problema sa lovelife, family at friends.. Feel na feel ko ang pagbibigay ng advice. Pero wala akong pake if they would take that as an advice or gagawin nila. Matatanda na siguro sila alam na nila ang tama at mali at yung nafefeel nilang gawin.
Pero isa lang ang tanong ko.. yung mga taong nagbibigay ba ng advice eh, inaadvice din nila sarili nila? palagay ko hindi.. kasi kung ako.. hindi naman ako haharap sa salamin para bigyan ng advice sarili ko.. minsan naghahanap din ako ng kausap para marinig yung mga opinyon nila para maliwanagan ako sa madilim na pagiisip kung ano ang gagawin ko..\\
Naniniwala din ako na ang mga taong nagbibigay ng advice, ay napagdaanan na nila or may kakilala silang nagdaan na sa sa sitwasyon ng taong binibigyan ila ng advice. Pero siguro may mga taon ng bibigay ng advice na galing sa napanood nila sa tv..\\
Siguro ito lng masasabi  ko.. ewan.. ngayon lng ako nakaisip ng topic.. dahil sa pagbibigay ko ng advice sa isang kaibigan. kanina lng sa facebook.. gusto ko sana ikwento.. kaso baka malaman nila.. haha.. kaya mabuti nalang itago ko sa title na "Ocean, Land, Mountains, Lake and Sea between US"..
inshort "Malayo sa isa't isa".\\
ewan.. kailangan ko lng cguro ng tulog.. haha o sya! sleep na ko! next time ulit! :D
 ///////////////////////////////////////////////////////
 
  

Thursday, September 13, 2012

Sweldooooo

Hello guys! sweldo nanaman! haha! mayaman ako... hindi sa pera kundi sa utang na walang hanggang.. well meron namang sigurong hangganan.. WELL WELL WELL.. ganyan talaga pag nagtatrabaho kana. 3 ways lang naman pupuntahan ng isang employee.

1. Nakakaipon
2. Sakto lang
3. Nababaon

buti nalang at nasa pangalawa naman ako.. sakto lang kasi may mga investments naman ako for the past 3 years kong pagtatrabaho. minsan nagkakautang. tapos bayad.. tapos renew.. bayad ulit.. kaya ayun sakto lang cguro maiintindihan mo ako kung nagtatrabaho ka na rin pero sa mga hindi pa nagtatrabaho ganito yung feeling...


ayan.. (credits to Google Images)
haha! kala kasi ng iba.. madami kang pera pag nagtrabaho kana nagkakamali kayo! maliban nalang sa iba kong ka work sakanila lang yung sweldo nila. yung isa nga dinaig pa yung supervisor na ilang years na sa kumpanya eh wala parin kotse! haha! o diba!.
Kaya minsan naiisip ko nalang sana istudyante nalang ako. araw araw may sweldo kang 50-200 a day tapos minsan halfday lang kayo. pangumaga pa trabaho mo. Walang "qouta", "stats", tapos kahit malate ka walang kaltas baon mo. Ang pareho lang is walang pasok, walang baon. In my work's jargon NWNP. Alam nyo ang jargon na to para sa mga empleyado..

Well starting to get my things ready for tommorow! dahil may engrandeng party pa akong pupuntahan..Birthday kasi ng isa sa mga close workmate ko. Dahil birthday nya kulang nalang is invited lahat ng tao sa department namin dahil mayaman sya. :D

see you!

Friday, August 24, 2012

PAKSHET!

Oh ayun! off nanaman! kaya lang isang araw lng.. todo todo na ang aking inggit sa kasama ko sa work! isang VL at 5 days OFF lng naman! o dba? haha bongga? sana makapag unwind siya sa mga araw na yun.. ahaha! bago ba naman kami mag day off haha todo todo ang badtrip namin! sya badtrip sya dahil sa GAS at GASGAS! haha! alam na nya yun! :D.. Ako eto pa blog blog nalang sinasabi kung anu lang masabi jan..

Osige! mabigagay nalang ako ng topic! saan at paano ba nabubuo ang isang chismis o "gossip"?? ikaw sa palagay mo?. According to wiki.

*************
 Gossip is idle talk or rumour about the personal or private affairs of others. It is one of the oldest and most common means of sharing facts, views and slander. This term is used pejoratively by its reputation for the introduction of errors and variations into the information transmitted, and it also describes idle chat, a rumor of personal, or trivial nature.
**********************

o dba? excellent explanation! credits to wikipedia! :p well para sakin, nangagaling ang isang chismis sa isang katotohanan na pasa pasa ng naiikkwento. tapos dagdag story si person A, tapos dagdag detail si person B and so on and on... kaya sa bandang huli chismis nalang! Isang katotohanan na nawala ang sense dahil sa kakadagdag ng sahog at kung ano ano pa! marami na ako narinig na chismis sa trabaho, sa bahay, sa mga kaibigan, sa mga kaklase dati ang pinagtatakahan ko lang is bakit and daming LALAKING CHISMOSO NGAYON? haha! lalaki ka nga bungabunga mo naman daig pa ang keps ng pokpok! haays anu ba yan? bakit kaya hindi nalang kaya nila hayaan kung ano ang totoo sa hindi totoo? hindi yung  kung anu anu pa ang idadagdag nila.. well hindi ko rin sila masisisi kung chismoso at chismosa sila.. di mo rin masisisi sa mga kwinentohan nila o sa mga nakarinig dahil kung ano ang pumasok sa tenga yun din ang labas nito sa bibig.. 

****************************

Well, antok na ako.. cguro matulog nalang ako.. sayang off kung di matutulog! see you in my next blog! :D


Tuesday, August 21, 2012

First timer



Hello! My name is John! I guess this would be my first blog today.. Siguro iintroduce ko muna ang sarili ko sa mga makakabasa nito.. sana kung meron.. again ako si John Romar D. Ilano, Chow, John or Romar for shorts,  ipinanganak noong august 2 1990 sa angeles at lumaki sa manila since after ng binyag ko hanggang 2nd year highschool so 15 years in total. Lumipat lang kami sa kadahilanang namatay na ang isa sa mga favorite at one of my important family tree member, ang lolo ko na tinatawag kong "tatay".. Dahil sya ang tumayo kong ama simula pagkabata.. Bakit?? Kasi isa sya sa mga tumutulong samin nung ng mama ko nung bata pa ako.. 2nd family lang kami kasi sa real father ko.. Although ganun sitwasyon namin tanggap pari kami ng lolo ko.. Pero wala akong sama ng loob sa real father ko kasi syempre wala ako sa earth kung hindi dahil sa sperm cell nya.. Ipapanganak ba ako kung egg cell lang?? Kung ganun ang nangyari edi kalahi ko si cell sa dragon ball z na isang tipaklong na singaw sa planetang earth.. Haha

************************************************


Ok back to the topic... Sa kasalukuyan ay nagttrabaho ako sa isang bpo company dito sa pampanga.. (pasensya nga pla sa ibang shortcuts ko.. sa cellphone ko lang kasi ito ginawa). Nagiipon. Gumagastos. Try ulit mag ipon.. Ahaha hanggang ngayon wala.. Sa totoo lang mag 3 years na ako sa trabaho wala pang ipon.. Pero may mga ilang gamit naman akong naipundar. Like computer at dslr.. pwede na.. Pero balak ko parin mag ipon kahit papano.. Balak sa next year nalang ehe! Sana makabayad na ako sa lahat ng utang ko ayaw kong mabaon sa utang no.. so ayun bakit sa call center?? Kasi 2 years course lang natapos ko.. Associate in Information and technology major in networking ang natapos ko.. Graduate ako pero dahil sa walang pera.. Mas pinili ko ang di lumakad at mag march sa stage kesa sa 5k na toga at picture.. Pinanbayad ko nalng sa balance ko sa school.. Pero di ko pa din nakuha diploma ko.. 

************************************************


Oo nga pla nakalimutan ko about sa family background ko.. Only child lang ako ng real father ko sa mama ko.. Pero kahit ganun masaya naman ako kahit wala akong kapatid.. Pinangarap kong magkapatid pero wala na cguro kasi kakaopera lang ng mama ko.. Tinggalan na sya ng matress. 44 years old ata.. Haha so ayun siguro marami pa akong mababangit about sa family ko sa mga susunod kong blog.. Sana masundan pa ito kapag sinipag ako.. I'll tell more about myself muna siguro. Kung mapapansin niyo haha ako ng haha.. Ewan ko kung nasanay lang ako sa txt or cguro masayahin ako.. Pero masayahin naman ako sa harap ng ibang tao.. Pero sa bahay madalas akong bugnutin yung lagi bang nakasimangot.. Mapagmahal, mabait, masunurin, minsan suwail.. Yan ang mga ugali ko yung iba cguro malalaman nyo din yun sa iba kong mga blogs kasi napapasin ko mahaba na itong blog ko for the day baka mabored na kayong kakabasa.. naaliw lng ako nung naalala ko yung ka work ko na mahilig magblog medyo inspiring kasi mga blog nya may kalokohan din pero katotohanan.. di rin kasi sya ngakkwento sa trabaho so nasasabi nya yung gusto nyang sabihin sa blog. Makikilala nyo pa ako ng husto dito sa mga blog ko.. Well hanggang di nalang muna cguro.. Till next blog!